Gloria Macapagal-Arroyo

President of the Republic of the Philippines 2001 - 2010

More than Roads and Bridges.

Traveling around the Philippines, whether by land, sea or air, will surely leave any person impressed, not only by its natural beauty, but also by the engineering marvels that make this "Joyride" possible. This travelogue presents the vision and solid groundwork laid down by the PGMA administration that make all this a reality. It will guide you through these stories:

In "The Road Ahead", we are taken on a journey through seemingly endless miles of new roads that hope to link every town in every island; Gaps that once separated people and towns from opportunities that lay beyond the valley, or across the river, are now linked. "Tulay Po Kayo" shows how bridges became doors of opportunities to countless farmers, traders and travelers;

Where the road ends, ports, airports, and mass transit take over. "Direct to the Point. Walang Paligoy-ligoy" presents the seamless connection between these vital components of the "Nautical Highway" masterplan;

Something wonderful lies at the end of every road. "Bahay Tahanan. Bahay Paaralan" tells the dream of all Filipino families to have a roof over their heads and of school children to move from under the shade of a tree into a real classroom;

Fresh fruits and vegetables can now be brought from the farms directly to your dining table. "Farm to Market Roads & Irrigation" illustrates how infrastructures help pave the way for better food security, and accelerate countryside development;

"Maliwanag ang Buhay" is about the country's electrification program to ensure a brighter future. Viable alternative power sources are also brought to light;

"Wag Mabahala sa Baha" informs you about projects completed, in progress, and on the planning stage, all to solve the persistent problem of flooding;

Once all the infrastructure projects are in place, the task of maintaining and improving them is a never ending process. "Sagip Lansangan. Sagip Kabuhayan" guides you through this tedious job;

"Tungo sa Kinabukasan" sums up what the PGMA administration has achieved--more than the three previous presidents combined…something that gives every Filipino reason to be joyful and proud of this country. It also sets the positive tone for the coming years with its medium term plans, which will perhaps be difficult to do, but will surely guarantee an even smoother "Joyride" for all Filipinos — for many more years to come!

SUPER REGIONS:

Mga kaibigan, ang sarap ba ng biyahe ninyo? Ang dali na bang pumunta sa mga paborito ninyong beaches? May mga nakikita ba kayong mga bagong factories? Airports? Seaports?

Nadevelop na ang Super Regions.

North Luzon Agri-Business Quadrangle: KEY TO POVERTY ALLEVIATION Agrikultura ang pambato ng North Luzon AgriBusiness Quadrangle upang umunlad ang buong Northern Philippines—ang tanging yaman --na kapag na-develop ng husto—ay siyang mabisang panlaban sa kahirapan.

Urban Luzon Beltway: INDUSTRY AND INVESTMENT HUB OF THE PHILIPPINES Nilalayong palakasin ng gobyerno ang Urban Luzon Beltway upang maging sentro ng gawaing pantransportasyon sa mga Super-Regions para sa mga manlalakbay at industriya, magkaroon ng sapat na supply ng kuryente sa mababang halaga, masaganang patubig at kontrolin ang pagbaha sa mga mababang pook ng syudad.

Central Philippines: DEVELOPING PREMIER TOURIST DESTINATION Maraming pinagandang kalsada ang DPWH sa Central Philippines Super Region na nakapagdala ng mas maraming turismo, at lalong na-develop ang mga maliliit na isla, bumilis ang pag-asenso ng mga micro, medium at small enterprises at iba't ibang gawaing pang-agrikultura.

Agribusiness Mindanao: COMPETING IN EAST ASIA GROWTH AREA Sa dami ng na-develop na proyektong imprastructura sa Mindanao, lalong umangat ang pangangalakal ng bansa sa mga karatig lugar ng East Asia Growth Area (EAGA). Ang mga mauunlad na teritoryo sa ASEAN ay sagana sa agriculture, fisheries, forestry, industrial development at turismo.

Malamang marami kayong nakitang pagbabago itong mga siyam na taon na nakalipas. Ang hindi ninyo alam ay malaking bagay ang nagawa ng mga daan para sa mga pagbabago na nakita ninyo ngayon. Mga daan tungo sa kaunlaran.

THE ROAD AHEAD

Noong 2001, nung maging pangulo si Gloria Macapagal Arroyo, nakita na niya ang kahalagahan ng magandang road network sa national at economic development.

Naniniwala kasi si Pangulong Arroyo na ang infrastructure ay susi sa development.

Kaya, ginawa niyang pundasyon ng Administrasyon ang infrastructure program. Maraming road networks sa Luzon Visayas at Mindanao. Inatasan ni PGMA ang Department of Public Works and Highways na umpisahan at tapusin ang kanyang mga priority road projects.

  • HALSEMA HIGHWAY
  • BALER-AURORA-CASIGURAN ROAD
  • TARLAC-NUEVA ECIJA-AURORA-DINGALAN PORT ROAD
  • MARIKINA-INFANTA ROAD
  • SOUTHERN TAGALOG ARTERIAL ROAD
  • NORTH LUZON EAST EXPRESSWAY
  • TARLAC-PANGASINAN-LA UNION TOLL EXPRESSWAY
  • SLEX Extension
  • METRO MANILA SKYWAY 2
  • NAIA EXPRESSWAY
  • EL NIDO-BATARAZA-RIO TUBA ROAD
  • ILOILO CITY – STA BARBARA ROAD
  • METRO ILOILO RADIAL ROAD
  • NEW BACOLOD AIRPORT ACCESS ROAD
  • AROROY-ESPERANZA ROAD PROJECT
  • BOHOL CIRCUMFERENTIAL ROAD
  • MAHARLIKA HIGHWAY
  • SAN JOSE – LOPE DE VEGA ROAD
  • SAMAR PACIFIC COASTAL ROAD
  • DINAGAT ISLAND ROAD
  • ILIGAN CITY CIRCUMFERENTIAL ROAD
  • DAPITAN-DAKAK ROAD
  • ZAMBOANGA WEST COAST ROAD
  • KAPALONG-TALAINGOD-VALENCIA ROAD
  • SURIGAO-DAVAO COASTAL ROAD
  • HAWILIAN-SALUG-SINAKUNGAN ROAD

Kung may daan, magiging accessible at mapupuntahan siya. Gaganda ang negosyo at aasenso ang buhay sa lugar na may daan.

Ang ating bansa ay napakaraming world class wonders. Dahil sa mga new highways na na-buksan, naging madali ang pagpunta sa mga sikat na tourist destinations.

CHOCOLATE HILLS OF BOHOL
Accessible thru: BOHOL CIRCUMFERENTIAL ROAD

BANAWE RICE TERRACES
Accessible thru: HALSEMA HIGHWAY

BUSAY, UGSAD, PANGASILIAN FALLS
Accessible thru: SAN JOSE – LOPE DE VEGA ROAD (Samar)

LAIYA BEACH (BATANGAS)
Accessible thru: SOUTHERN TAGALOG ARTERIAL ROAD (STAR)

UNDERGROUND RIVER (PALAWAN)
Accessible thru: EL NIDO – BATARAZA – RIO TUBA ROAD

SIARGAO Surf Paradise
Accessible thru: MAHARLIKA HIGHWAY on Eastern Nautical Highway

Kaya, ayon sa Department of Tourism, patuloy ang pagdagsa ng mga banyagang bumibisita sa bansa taon-taon.

NUMBER OF TOURIST ARRIVALS: "5.2 Million Tourist Arrivals from Jan-Sept 2009"

MAHARLIKA HIGHWAY

Alam nyo ba na ang itinuturing na pinakamahabang highway sa Pilipinas ay ang Daang Maharlika na kilala rin sa tawag na Pan-Philippine Highway or simply Maharlika Highway? Ang naturang highway ay may habang 3,500 kilometers at nag-uugnay sa mga isla ng Luzon, Samar, Leyte at Mindanao.

C-5

The Circumferential Road 5, or C-5, eases traffic in Metro Manila as it connects the country's two major road networks: the North Luzon Expressway and South Luzon Expressway. The former in turn branches out to lead motorists to the ultra-modern SCTEx or Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Kapag may nagagawang daan, ang mga liblib na municipalidad ay nagiging accessible. Nagkakaroon ng new markets at new sources of labor. Kaya dumarami ang mga business opportunities. Marami rin ang mga bagong factories at industrial at economic zones na itinatayo.

Sa administrasyon ni Pangulong Arroyo, daan-daan kilometro ng highway ang nakumpleto at nabuksan.

48,585 kms of major roads constructed from 2001-2009

Sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, maraming tulay ang sinimulan at nakumpleto. (Heto lang ang iilan sa mga ito. List not necessary?)

BRIDGES COMPLETED 2001-2009: 289,944 Lineal Meters

Mga engineering marvels ang mga tulay na yan. Tourist attractions na rin pala, di po ba?
Ang mga tulay ay parang isang pintong nakabukas patungo sa ninanais nating makamit na kaunlaran. Kung tayo'y nasa harap ng pinto, sinasabi natin: Tuloy po kayo. Pero, sa harap ng tulay, masasabi nating… Tulay po kayo!

AGAS-AGAS BRIDGE, SOGOD, SOUTHERN LEYTE

Alam nyo ba na sa kasalukuyan, ang pinaka mataas na tulay sa bansa ay matatagpuan sa Barangay Kahupian, Sogod, Southern Leyte? Ito ang Agas-Agas Bridge na may taas na 89 meters. Ang tulay na ito na may habang 350 meters ay pinasinayaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-9 ng Agosto 2009. Ang proyektong tulay ay sinimulan noong 2006 bilang bahagi ng Philippine-Japan Friendship Highway Rehabilitation Project. Bukod sa pag-uugnay ng mga lugar sa Eastern Visayas, ang Agas-Agas Bridge ay kasalukuyang ipino-promote ng pamahalaan bilang site for semi-bungee jumping, zip line rappelling, and downhill skate boarding. AGAS-AGAS BRIDGE, isang proyekto ng DPWH sa administrasyon ni Pangulong Gloria tungo sa UNLAD BAYAN.

National development? Economic growth? Mararating natin yan.
Peace and order? Victory over insurgency? Makakarating tayo diyan. Tulay po kayo! Ang tulay bilang isang counter-insurgency measure.
So near yet so far. Parang ang laki ng problema, 'no? Pero, malaking bagay ang magkaroon ng tulay. Upang marating ang pangarap nating kaunlaran.
Progress. Development. Employment. Peace and Order. Lahat niyan ay mararating natin.
Pinaganda na ni Pangulong Arroyo ang daan tungo sa kaunlaran. Kaya, madali na tayong makakatawid doon.
Tulay Na Po Kayo!

Direct to the Point, Walang Paligoy-ligoy
MASS TRANSPORT. AIRPORT. SEAPORT.

Iyan ang tinatawag na Roll-On Roll-Off vessel. Ito'y mga barko na nasasakyan di lamang ng tao, kundi pati na ang mga kotse, bus at delivery truck. Kaya sa RoRo, pwede kang bumiyahe ng naka- wheels.

Kailangan nitong mga RoRo vessels ang special na seaport – ang RoRo port. Marami ang mga RoRo ports na nakumpleto sa ilalim ng GMA administration.

RORO PORTS COMPLETED 2001 to 2009.
164 Ports constructed/rehabilitated
373 Municipal ports constructed/improved
47 Fishery infrastructure fish ports completed
"Rororo your car, gently down the stream. Merrily merrily, life is but a dream…"

Mag-eenjoy kayo sa RoRo ride. Hindi lang pang sea travel. Para sa mga transport vehicles din. Pagka-landing ng RoRo ship sa port, pwede mo nang ituloy ang biyahe. Drive along some of the best highways constructed by the DPWH.

Pagdating sa pampang, tuloy pa rin ang biyahe sa dagat!

Ang pagkakadugtong ng mga highways at RoRo ports ay bahagi ng isang vision ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, para mapabilis ang pagbiyahe ng mga tao at mga commodities.

Ito ang Strong Republic Nautical Highway.

Ang Strong Republic Nautical Highway ay may tatlong daanan.

Ang Western Nautical Highway.
Mula Maynila, Batangas City, Calapan, Roxas, Caticlan, Dumangas, Bacolod, Dumaguete, Dapitan, Zamboanga City, Maluso, Jolo, Siasi at Bonggao Tawi Tawi.

Ang Central Nautical Highway ay mula Pilar Sorsogon, Aroroy Masbate, Bogo, Cebu City, Tubigon Bohol, Jagna, Mambajao, Benoni, Balingoan, Cagayan de Oro.

At ang Eastern Nautical Highway naman ay bumabaybay sa Maharlika Highway mula Sorsogon, Allen, Biliran, Liloan Southern Leyte, Surigao del Norte, Davao.

AIRPORTS

Ang daming mga international airports! Pwede na tayong makalipad papuntang abroad mula sa ating probinsya. At di na tayo pupunta pa sa Maynila.

Ang ibig sabihin niyan ay mababawasan ang air traffic sa NAIA. Ma-dedecongest ang NAIA. It also spells convenience para sa mga bumibiyahe galing Norte.

Dahil sa dami ng mga Filipino OFWs, malaking bagay ang magkaroon ng mga international airport sa mga major provincial cities.

3 new airports completed with international standards
(Davao, New Iloilo, Silay Bacolod)
72 airports improved and upgraded with international standards

At mula sa kanilang probinsiya, diretso na sila abroad. Dahil sa dami ng ibinukas na international airport under PGMA, ang mga international flights ay dumami at naging mas mabilis, at nagmura pa ang pamasahe.

MASS TRANSPORT

May tatlong mass transport systems sa Metro Manila. Ang LRT 1. MRT. At ang LRT-3. Tatlong magkakahiwalay na mass rail systems sa Metro Manila.

Mas madaling libutin ngayon ang Kamaynilaan.

Sa administrasyon ni Pangulong Arroyo, nai-connect na ang tatlong mass transport systems. Iyan ang Direct to the point. Wala nang paligoy-ligoy pa!

Dahil sa ginhawa na dulot ng mass rail transport systems, lumaganap ang mga transport-based condominium projects. Mula tirahan hanggang opisina, maaari ka nang pumasok nang hindi mo dala ang iyong kotse.

Bahay Tahanan. Bahay Paaralan

294,995 low-cost housing units built
1,056,152 Family beneficiaries resettled

Ang mga ito ay nasa perimeter ng Metro Manila at along major highways na ginawa ng DPWH.

Ang mga units ay pwedeng hulugan sa Pag-IBIG Fund. Sa pamumuno ni Bise Pangulo Noli de Castro, binabaan pa nga ang interest rate ng Pag-IBIG para mas marami pa ang maka-avail nito.

Sa low-cost housing program ni Pangulong Arroyo, marami na ang nagkaroon ng kanilang sariling tahanan. Tahimik na tirahan. Masayang pamilya.

Sa kanayunan naman, talagang marami'ng nagkaroon ng sariling tahanan at paaralan.

Tignan natin ang isang paaralan sa San Agustin Elementary School, Bacarra, Ilocos Norte.

Ang malulungkot na kwento ng mga guro ay karaniwan lang nung bago mag-2001. Talaga nga namang nakakaawa ang mga estudyante sa ganung kundisyon.

Kaya, priority ni Pangulong Arroyo ang pagpapagawa ng mga school buildings at classrooms, para mabigyan ng mas mataas na quality of education ang mga kabataan.

Sa pamumuno ng DEP ED, ang DPWH ang lead agency sa pagpapagawa ng mga bagong gusali at classrooms. At napakaraming naitayong school buildings sa nakalipas na siyam na taon.
102,033 school buildings/classrooms constructed from 2001-2009

"GANITO ANG TUNAY NA EDUKASYON. MAY BUILDING, MAY CLASSROOM, BLACKBOARD AT SCHOOL DESKS. MAGANDA ANG LEARNING ENVIRONMENT."

Sa bawat schoolbuilding na natapos, ito ay masasabi na ring parang graduation ng mga taga DepEd at DPWH. May commitment sila and they delivered!

FOOD SECURITY

"Marami talaga ang nagawang schoolbuilding sa administrasyon na ito. Para na ring nagtatanim ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo niyan. Nagtanim siya para sa kinabukasan natin, Jay. Ngayon umaani na tayo!"

Oo nga naman. Hindi talaga biro ang magtanim o ang maging isang magsasaka. Biruin mo, buong araw kang nakabilad sa mainit na araw. At hindi lang iyon. Mas mahirap pa ang magbenta ng inyong ani. Sapagkat, mula sa bukid ay dadaan ka sa mga lubak-lubak na daan. At dahil sa tagal ng biyahe mo, pagdating mo sa palengke'y halos naubos na ang mga inani mo. Sapagkat ang karamihan nito'y nabulok na. Sayang naman.

Ang isang solusyon dito ay gumawa ng mga farm-to-market roads. Mga sementado o aspaltadong mga daan, mula sa bukid hanggang sa pamilihang bayan. Sa ganito'y mabilis ang biyahe ng magsasaka at maiiwasan ang pagbubulok ng kanyang mga inani.

"ANG DALI NANG MAGTRANSPORT NG AKING ANI SA PAMILIHANG BAYAN!"

Mga kaibigan, tulad ng naaalala ninyong kanta, ang pagtanim ay hindi biro. Pero, alam ba ninyo na hindi rin biro kung paano umabot ang mga tinanim na crops at pinalaki na livestock mula sa farm hanggang sa market at hanggang sa inyong dining table? Aba'y mahabang kwento din ito.

Ay, siguradong may maaabutan ka. Hindi lang ikaw. Ang food security kasi ay isa sa mga priority concerns ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ang ibig sabihin nito ay dapat may sapat na mabibiling pagkain.

At para maging abot kaya ang presyo ng pagkain sa palengke, dapat may sapat na supply ng mga ito. At para magkaroon ng sapat na supply, dapat ay maganda at masagana ang ani ang mga magsasaka.

At maski masagana ang ani, ang mahalaga'y ma-transport agad ito sa pamilihan para hindi ito mabulok, at maging masagana ang supply.

Kaya, maselan ang tinatawag na supply chain. Dapat ay sinisigurong magiging maganda ang supply at aabot ito sa ating dining table.

Priority ni Pangulong Arroyo ang food security. Kaya, sa siyam na taon niya, very stable ang mga prices ng pagkain. Kasi, for most of her term, may sapat na rin at mabilis na transportation system.

Ang vision ni Pangulong Arroyo para sa food self sufficiency ay isinasakatuparan ng Dept of Agriculture. (Poverty Alleviation Program)

Nandiyan ang price control sa presyo ng fertilizers, seedlings at farm implements, at mababang interes ng pautang sa agricultura.

Nandyan din ang mga irrigation projects upang magkaroon ng sapat na patubig ang kabukiran.

Mga irrigation systems na ginawa at kinumpleto ng Department of Agriculture at National Irrigation Administrasyon.

1,336,594 Has. of national and communal irrigation farmland.

Generated 136,477 Has. of newly irrigated farmlands from 2001-2009

Hindi pa rin sapat na maganda ang ani. Dapat kasi'y madala agad sa pamilihan.

Sa lalung madaling panahon para ang ito'y hindi mabulok. Diyan nakakatulong ang mga farm-to-market roads na ginawa ng DPWH.

Dahilan sa major highways, madaling madala ng mga farmers ang kanilang ani sa pamilihan.

15,675 kms of farm-to-market roads constructed under PGMA

From the farm to the marketplace to your dining table of Farm Fresh Produce. Tinitiyak ng administrasyong Arroyo na sapat ang supply at mababa ang presyo, para may sapat na pagkain ang lahat, mayaman man o mahirap.

Ang "Taguig Housing" ay isa lang sa maraming mass housing projects na nakumpleto sa administrasyon ni Pangulong Arroyo. Ginawa niyang priority ang paggawa ng mga low-cost housing projects para sa mga urban poor. Sa pamamagitan ng NHA, maraming low-cost housing units ang nagawa sa siyam na taon.


Maliwanag ang Buhay

Yan kasi ang resulta ng rural electrification program ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Isa sa mga hangarin ng kanyang administrasyon ang total rural electrification.

At ito ay nakamit niya nung taong 2007.

Total Rural Electrification

Energized 6,389 Barangays
98% Barangay Energiztion Rate

Iyan ang North Wind Bangui Bay Project. Mga dalawampung windmills na nakaka-generate ng electricity para sa Ilocos Norte. Wind-powered generator sa Bangui, Ilocos Norte. Iyan ang kauna-unahang wind-powered electric generator sa buong bansa, at siguro sa Southeast Asia. Ang Phase 1 was inaugurated in 2005 sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Si Pangulong Arroyo ay sumasangayon na hindi dapat maging over-dependent tayo sa petroleum para sa ating electrical generation. May sariling likas yaman tayo for alternative energy.

Kaya, sa administrasyon ni Pangulong Arroyo, nag-develop ang Department of Energy ng mga alternative sources of energy. Ito'y para makatipid sa paggamit ng gasolina. Ito na rin ang gumagamit ng tintawag na mas malinis na source of fuel. Para hindi makadagdag sa carbon emission at mahinto ang global warming.

Iniatas ng pamahalaan ang pagbukas ng 210-megawatt Clean Coal-Fired Power Plant to help stabilize power supply in Mindanao.

Na-implement din ang 1-megawatt Solar Power Plant sa Cagayan de Oro, para masabi na viable ang mga alternative source of power supply.


'Wag Mabahala sa Baha

Ang tao'y dapat sumunod sa pag-preserve ng kalikasan. Ibang klase na ang mga natural calamities.

Nang umupo si Pangulong Arroyo bilang presidente, nakita na niya na ang baha ay isa sa mabilis na pinsala sa sambayanan. Kaya, inatasan niya ang DPWH na gumawa ng mga flood control system.

9,942 regular flood control projects completed 2001-2009

Sa administrasyon kasi ni Pangulong Arroyo, hindi pwede ang "bahala na" pag nagkaroon ng baha.


SAGIP LANSANGAN. SAGIP KABUHAYAN


Ang DPWH ay hindi lang gumagawa ng bagong daan. Inaayos din nito ang mga daan, mga dike, at mga tulay na nasira.

Iba ang dedikasyon ang mga taga DPWH sa emergency work. Trabaho sila ng 24/7.

Kung kailangan ng daan, gagawa ng daan ang DPWH. Kung sira ang daan, aayusin pa rin ng DPWH. Ganyan ang DPWH. Ganyan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

BUKSAN ANG KINABUKASAN

Ang galing, di po ba? Biro niyo, naikot natin halos ang buong Pilipinas, eh, dala-dala pa natin itong pick up.

Yan na nga bang sinabi kong madalas, eh. Pa-abroad-abroad pa tayong mga pinoy. Sa totoo lang, dito'y marami na tayong makikita at mapapasyalan!

Ang daming roads and bridges, kuya, ang gaganda pa!

Iyan na siguro ang LEGACY ni Pangulong Arroyo.

New roads. Bridges. Roro ports. Airports. School buildings. Food Security. Irrigation systems. Low-cost housing. Total Electrification. Puwede na....

Wow! Ang galing talaga ng Presidente. Ang gaganda naman ang daan. Smooth na smooth ang trip!

Iyan ang iiwanan ni Presidente Gloria para sa sambayanan.

Tara na! Sakay na!

Tara na sa ating ship. The ship called the Republic of the Philippines. Malakas. Matatag. Maunlad. Dumami ang mga international at domestic airport. Dumami ang mga RoRo ports. At iki-nonect ang tatlong mass train systems ng Metro Manila. Guminhawa ang biyahe. Naging mas mabilis. Mas matipid. Hindi paligoy-ligoy. Direct to the point. To growth and development.